Nakagisnang Aagaw sa Kasarinalan

Alak, droga at sigarilyo. Ilan lamang yan sa mga kinawiwilihang bisyo ng madla. Ngunit bakit nga ba? Umabot na sa higit 17.3 milyong pinoy ang naninigarilyo o ‘di kaya naman ay maituturing na second hand smoker, 64% ng kalalakihan at 31% ng kababaihan sa Pilipinas ang kadalasang umiinom ng alak at 7-8 milyong katao ang nahihibang sa droga. Sa mga statistikang naiprisinta, karamihan nito’ y gumagamit ng ilegal na droga at alak kasabay ng paninigarilyo. Ang paninigarilyo rin ay maituturing na may mataas na bahagdan ng rason sa pagkamatay at pagkakasakit ng mga tao.

Ang Pilipinas ay tinaguriang isa sa labin-limang bansa na dumadanas ng malalaking problema ukol sa paninigarilyo. Taon-taon, higit kumulang sa 87,600 na pilipino ang namamatay dahil sa mga sakit na naidudulot ng bisyong ito. Diabetes, kanser sa baga, sakit sa puso, TB, pagkalabo ng mata, erectile dysfunction, stroke at pagbaba ng immune system ang ilan sa mga sakit na dulot ng paninigarilyo. Sa kabila ng lahat ng mga negatibong epekto ng paninigarilyo, bakit kaya patuloy na tinatangkilik ng madla ang bisyong nasabi? Ang ilan sa mga nahaing sanhi na naguudyok sa isang tao upang manigarilyo ay ang estado o kalagayan sa buhay, kakulangan sa patnubay ng magulang sa paglaki, impluwensya ng mga kaibigan, paninigarilyo ng ibang mga kamaganak o kapamilya, kahinaan ng loob sa pagharap sa mga problema,pampalipas oras, at ang murang presyo nito.

Kung tutuusin ay may mga magagandang naidudulot din ang paninigarilyo base sa rason ng taong nahuhumaling dito ngunit hinding hindi maitatanggi ang masamang dulot ng bisyong nasabi lalo na sa aspeto ng kalusugan. Malaki ang tiyansang maiwasan ng isang tao ang stress, depresyon at ibang mga problema sa paraan ng paninigarilyo ngunit hindi maikakaila na sa paraan ding ito ay malalagay sa piligro ang kalusugan ng tao. Buhay ang nakataya, sa bawat sindi ng posporong magbibigay baga sa hihithiting sigarilyo. Hindi mababatid kung ang katawa’y sanay na sa mga hanging may kasamang kemikal na direktang pumapasok sa katawan. Ang mapapansin nalamang ay ang tuloy tuloy na paghanap ng nakagisnang takas sa katotohanan.

Mga resulta ng larawan para sa smoking

Ang mga bisyong ito’y patuloy na uusobong kung sa produksyon ay patuloy na kinukunsinti ng merkado. Marami ang sumusubok, marami na rin ang nahiyang. Ang paninigarilyo’y hindi pumipili ng kasarian,estado ng buhay o gulang.Maraming rason ang umuusbong, marami ring solusyon ang hinahahain upang ito’y masuplong. Nasa saatin, nasa sainyo, nasa tao ang kagustuhang magbago. Ang mga gawain natin sa pang araw-araw ay sugal sa lahat ng aspeto ng buhay. Ang tanging paraan lamang upang masiguro ang ating panghabang buhay ay ang pagpili ng mga tamang barahang ating isusugal.

2 thoughts on “Nakagisnang Aagaw sa Kasarinalan

Leave a reply to filakademik Cancel reply

Design a site like this with WordPress.com
Get started