Ginhawa

Image result for migratory birds in ifugao alfonso lista

Ang ng lugar kung saan ang mga bundok at ilog ay payapang nagtatagpo. Ang maituturing na pahingahan ng mga ibong naglalayag patungong katimugan. At maaaring ang lugar kung saan matatagpuan mo ang iyong sarili. Alfonso Lista Ifugao Bird Watching Site.

Sa barrio ng Maninga, Santo Domingo Alfonso Lista ay matatagpuan ang isa sa mga tinaguriang pook na pinagdadaungan ng iba’t ibang klase at pamilya ng mga migratory birds. Ayon sa isang sensus na naisagawa sa nakalipas na isang buwan ay may 6,541 egrets, two great egrets at 311 Philippine ducks; 91 herons sa Site 2 Magat Dam spillway, at tinatayang 600 Philippine ducks at 140 egrets ang dumako sa Site 2- Magat wetlands. Ang lugar na ito’y sinasabing kabahayan ng mga migratory birds na pumapalaot mula silangang Asia-Australian Flyways kung saan sila’y tumatakas sa taglamig na panahong nararanasan sa mga bansang Japan, China at Taiwan pati na rin sa mga bansang Vietnam, Malaysia at Austalia. Dahil sa likas na rin sa angking pagkamalapit sa kalikasan ng mga taong nakatira sa lugar, hindi maipagkakait na tunay na masigla’t masigabo ang biodiversity ng pook. Ang mga likas na yaman ay pinagkakaingatan ng mga mamamayan na isang dahilan kung bakit ito’y dinarayo di lamang ng mga kapwa tao, kungdi pati na rin ng mga iba’t ibang klase ng mga hayop.

Sa pagdako sa naturang pook pasyalan, ang mga taong madaratnan ay tiyak na ika’y sasalubungin ng mga masisiglang ngiti kasabay ng paghandog ng mga tanawing kanilang pinagka-ingatan sa matagal na panahon. Ika’y maituturing na isa sa kanila sa oras na iyong ipakita ang iyong pagmamahal sa kalikasan. Ang pakikisalamuha sa mga taga rito ay isa sa mga bagay na hindi dapat malampasan pagkat ang pagiging iba at pagiging dayuhan ay hindi mo mararamdaman sa mga panahong ika’y nakatahan dito. Pamilya, kaibigan, pagmamahal at kalinga. Ang ilan sa mga bagay na naghihintay sa iyong pagdating na sanay hindi masundan ng agarang paglikas.

Kaya’t halina! Masdan ang inang kalikasan sa perspektibong inihahain ng baryo sa Santo Domingo. Pagkat ito’y tahanang iyong maituturing sa gitna ng magulong mundong iyong narating. Sa lugar na ito’y mahahanap ang kahalagahan, di lamang ng mga likas na yamang inihandog ng may kapal ngunit pati na rin ang kahalagahan mo bilang parte ng mundong iyong kinagagalawan. Sa pagkakataong ika’y naroroon ay mararamdaman mo ang kaginhawahan at kalayaaan ng buhay. Ang munting batang nagtatago sa iyong kaluluwa’y makalalabas sa kanyang lungga at tila maaabot muli ang pakiramdam na ilang taong hindi nakamptan. Sulitin ang pagdalo, hayaang ang tunay na sarili’y muling makatagpo. Santuario’y inihahain sa iyo, upang maghatid ng mga karanasang para sa iyo lamang.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started