Kinabukasan

Ang pag-aaral ay isa sa mga aktibidad na pinagtutuunan ng pansin ng bawat isa. Ilang dekada ang ginugugol natin sa paaralan upang makakuha ng mga pangunahin at makabagong impormasyong kakailanganin natin sa pang araw-araw nating mga obligasyon. Sektor ng edukasyon ang kinabibilangan nito na siyang tumutulong sa atin na mabuo ang ating mga katangian at personalidad. Di lamang ang ating mga personalidad ang hinuhubog nito kundi pati ang ating hinaharap at kahahantungan. Ito rin ang isang kayamanang taglay ng bawat isa’t hindi mananakaw nino man. 

 Ayon sa isang dokumentong nilahad sa yfuusa.org, ang karaniwang oras na ginugugol ng mga estudyante sa paaralan dito sa ating bansa ay higit sampung oras sa bawat araw ng pasok. Ito’y higit na mahaba kumpara sa mga bansang japan, na may pitong oras sa eskwelahan (webjapan.org). Ang bansang pinagkumparaha’y di hamak na mayroong mas mataas at angat na estado. Ngunit bakit nga ba ganito? Ang kabataa’y kinabukasan ng bayan, sila rin ay ang mga ganap na mamumuno sa hinaharap. Ang paaralan ay ang maituturing na punong pundasyon bukod sa mga magulang. Sa katunaya’y may mga pagkakataong mas mahaba pa ang oras ng kabataan sa paaralan kumpara sa kanilang pakikihalubilo sa kanilang mga ina’t ama. Ngunit sa hinaba ng oras na ito sa paarala’y bakit hanggang ngayo’y hindi umuunlad ang Pilipinas?

Ayon kay Richmond(2012), hindi nasusukat sa haba ng oras o araw na ginugugol sa paaralan ang natututunan ng mga bata bagkus ito’y nakabase lahat sa paraan ng pagtuturo at ang mga itinuturo sa paaralan. Ang pagpapahaba ng oras sa paaralan pati na rin ang pagdaragdag ng araw ng klase ay hindi solusyon upang mas mapaganda ang paghubog sa kabataan. Ito’y nakasalalay sa panuntunang isinasagawa’t sinusunod ng kabataan na magiging nakasanayan nila hanggang sa paglaki. Ang mga batang nahubog ng wasto’t may disiplina ay mataas ang paggalang sa sarili, kapwa’t lahat ng nakapalibot sakanya. Marangal at respetadong mamamayan ang sa kinabukasa’y ating mapagmamasdan kung ang kinauukula’y maipapatupad ang wastong mga batasang pangedukasyon.

MGa Pinagbatayan:
https://education.seattlepi.com/negative-effects-extending-school-days-1755.html
https://www.ewa.org/educated-reporter/does-more-time-school-mean-more-learninghttps://online.yfuusa.org/media/yes_lounge/Philippines.pdf
https://www.academia.edu/5754596/Educational_Laws_Trends_and_issueshttps://web-japan.org/kidsweb/faq/life02.html

One thought on “Kinabukasan

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started